← Back to book

Noli Me Tangere · I - Isang Pagcacapisan

10 illustration

Ang militar ay isang matandang teniente, matangcád, mabalasic ang pagmumukhâ, na ano pa't anaki'y isang Duque de Alba na napag-iwan sa escalafón ng̃ Guardia Civil. Bahagyâ na siya nagsásalita, datapuwa't matigás at maiclî ang pananalitâ.—Ang isá sa mg̃a fraile'y isang dominicong bata pa, magandá, malinis at maningning, na tulad sa canyang salamín sa matang nacacabit sa tangcáy na guintô, maaga ang pagca ugaling matandâ: siya ang cura sa Binundóc at ng̃ mg̃a nacaraang tao'y naguing catedrático sa San Juan de Letran. Siya'y balitang "dialéctico", caya ng̃a't ng̃ mg̃a panahong iyóng nang̃ang̃ahas pa ang mg̃a anac ni Guzmang makipagsumag sa paligsahan ng̃ catalasan ng̃ ísip sa mg̃a "seglar", hindî macuhang malitó siya ó mahuli cailan man ng̃ magalíng na "argumentador" na si B. de Luna; itinutulad siya ng̃ mg̃a "distingo" ni Fr. Sibyla sa máng̃ing̃isdang ibig humuli ng̃ igat sa pamamag-itan ng̃ sílò. Hindî nagsasálitâ ang dominico at tila mandin pinacatitimbang ang canyang mg̃a pananalità.


Baligtád ang isá namáng fraile, na franciscano, totoong masalitâ at lalò ng̃ maínam magcucumpás. Bagá man sumusung̃aw na ang mg̃a uban sa canyang balbás, wari'y nananatili ang lácas ng̃ canyang malusóg na pang̃ang̃atawán. Ang mukhâ niyang magandá ang tabas, ang canyang mg̃a pagting̃ing nacalálaguim, ang canyáng malalapad na mg̃a pang̃á at batìbot na pang̃ang̃atawan ay nagbibigay anyô sa canyáng isáng patricio romanong nagbalát cayô, at cahi't hindî sinasadya'y inyóng mágugunitâ yaong tatlong monjeng sinasabi ni Heine sa canyáng "Dioses en el destierro", na nagdaraang namamangcâ pagcahating gabi sa isang dagatan doon sa Tyrol, cung "equinoccio" ng̃ Septiembre, at sa tuwing dumaraa'y inilálagay ng̃ abang mámamangca ang isáng salapíng pílac, malamíg na cawang̃is ng̃ "hielo," na siyang sa canya'y pumupuspos ng̃ panglulumó. Datapuwa't si Fray Dámaso'y hindî mahiwagang gaya nilá; siya'y masayá, at cung pabug-al bug-al ang canyáng voces sa pananalità, tulad sa isang taong cailan ma'y hindi naaalang-alang, palibhasa'y ipinalálagay na banal at walâ ng̃ gágaling pa sa canyáng sinasabi, kinacatcat ang sacláp ng̃ gayóng ugalî ng̃ canyáng táwang masayá at bucás, at hangang sa napipilitan cang sa canya'y ipatawad ang pagpapakita ng̃ mg̃a paang waláng calcetín at mg̃a bintíng mabalahíbo, na icakikita ng̃ maraming pagcabuhay ng̃ isáng Mendicta sa mg̃a feria sa Kiapò.