← Back to book

Noli Me Tangere · I - Isang Pagcacapisan

6 illustration

Nasasalas ang mang̃agsisicain, sa guitnâ ng̃ lubháng malalakíng mg̃a salamín at na ng̃agníningning na mg̃a araña: at doon sa ibabaw ng̃ isáng tarimang pino ay may isáng mainam na "piano de cola", na ang halaga'y camalácmalác, at lalò ng̃ mahalagá ng̃ gabíng itó, sa pagca't sino ma'y walang tumútugtog. Doo'y may isáng larawang "al óleo" ng̃ isáng lalaking makisig, nacafrac, unát, matuwíd, timbáng na tulad sa bastóng may borlas na tagláy sa mg̃a matitigás na daliring puspós ng̃ mg̃a sinsíng: wari'y sinasabi ng̃ larawan:

—¡Ehem! ¡masdán ninyó cung gaano carami ang suot co at aco'y hindî tumatawa!

Magagandá ang mg̃a casangcapan, baga man marahil ay hindî maguinhawahang gamitin at nacasasamâ pa sa catawan: hindî ng̃â ang icaiilag sa sakít ng̃ canyáng mg̃a inaanyayahan ang naiisip ng̃ may-arì, cung dî ang sariling pagmamarikít.—¡Tunay at cakilakilabot na bagay ang pag-iilaguín, datapowa't cayó namá'y umuúpô sa mg̃a sillóng gawáng Europa, at hindî palaguing macacátagpò cayó ng̃ ganyán!—itó marahil ang sinasabi niya sa canilá.