← Back to book

Noli Me Tangere · I - Isang Pagcacapisan

7 illustration

Halos punô ng̃ tao ang salas: hiwaláy ang mg̃a lalaki sa mg̃a babae, tulad sa mg̃a sambahang católico at sa mg̃a sinagoga. Ang mg̃a babae ay iláng mg̃a dalagang ang iba'y filipina at ang iba'y española: binúbucsan nila ang bibíg upang piguilin ang isáng hicáb; ng̃uni't pagdaca'y tinátacpan nilá ng̃ caniláng mg̃a abanico; bahagyâ na nang̃agbubulung̃an ng̃ iláng mg̃a pananalitâ; anó mang pag-uusap na ipinagsúsumalang pasimulán, pagdaca'y naluluoy sa iláng putól-putól na sábi; catulad niyáng mg̃a ing̃ay na náriring̃ig cung gabí sa isáng bahay, mg̃a ing̃ay na gawâ ng̃ mg̃a dagâ at ng̃ mg̃a butikî. ¿Bacâ cayâ naman ang mg̃a larawan ng̃ mg̃a iba't ibang mg̃a "Nuestra Señora" na nagsabit sa mg̃a pader ang siyang ninilit sa mg̃a dalagang iyong huwag umimíc at magpacahinhíng lubós, ó dito'y talagang natatang̃ì ang mg̃a babae?