← Back to book

Noli Me Tangere · I - Isang Pagcacapisan

17 illustration

At tinalicdán ang franciscano at nagpatuloy ng̃ pananalitâ:


—Ng̃ magcágayo'y ng̃ magbalic ang curang itó sa bayan, pagcatapos na maalipustá ang coadjutor, ang guinawa'y ipinahucay ang bangcáy na iyón, ipinadala sa labás ng̃ libing̃an, upang ibaón hindi co maalaman cung saan. Sa caruwagan nang bayang San Diego'y hindi tumutol; tunay ng̃a't iilan lamang ang nacaalam, walang camag-anac ang nasirà, at na sa Europa ang canyang bugtóng na anác; ng̃uni't nabalitaan ng̃ Gobernador General, at palibhasa'y táong may dalisay na púsò, ay hining̃i ang caparusahán ... at inilipat si pári Dámaso sa lalong magaling na bayan. Itó ng̃â lamang ang nangyari. Ng̃ayo'y gawín ng̃ "inyó pong cagalang̃án" ang pagtatang̃itang̃i.


At pagca sabi nitó'y lumayò sa pulutóng na iyón.


—Dináramdam cong hindî co sinásadya'y nábanguit co ang isáng bagay na totoong mapang̃anib ani párì Sibylang may pighatî.—Datapuwa't cung sa cawacasa'y nakinabang naman cayó sa pagpapalít-bayan....


—¡Anó bang pakikinabang̃in! ¿At ang nawáwalâ sa mg̃a paglipat ... at ang mg̃a papel ... at ang mg̃a ... at ang lahát ng̃ mg̃a náliligwín?—ang isinalabat na halos nauutál ni Fr. Dámaso na hindi macapagpiguil ng̃ galit.


Untiunting nanag-úli ang capisanang iyón sa dating catahimican.