← Back to book

Noli Me Tangere · I - Isang Pagcacapisan

9 illustration

Tungcol sa mg̃a lalaki'y nang̃agcacaing̃a'y ng̃ cauntî. Umaaticabong nang̃agsasalitaan ang iláng mg̃a cadete; ng̃uni't mahihinà ang voces, sa isa sa mg̃a súloc at manacanacang tinitingnan nila at itinuturo ng̃ dalirî ang iláng mg̃a taong na sa salas, at silasila'y nang̃agtatawanang ga inililihim ng̃ hindi naman; ang bilang capalit nama'y ang dalawang extrangero na capowâ nacaputî ng̃ pananamit, nang̃acatalicod camáy at dî umíimic ay nang̃agpaparoo't paritong malalakí ang hacbang sa magcabicabilang dulo ng̃ salas, tulad sa guinágawâ ng̃ mg̃a naglalacbay-dagat sa "cubierta" ng̃ isáng sasacyán. Ang masaya't mahalagáng salitàa'y na sa isang pulutóng na ang bumubuo'y dalawang fraile, dalawang paisano at isáng militar na canilang naliliguid ang isáng maliit na mesang kinalalagyan ng̃ mg̃a botella ng̃ alac at mg̃a biscocho inglés.