← Back to book

Noli Me Tangere · I - Isang Pagcacapisan

2 illustration

Cawang̃is ng̃ kisláp ng̃ lintíc ang cadalîan ng̃ pagcalaganap ng̃ balítà sa daigdigan ng̃ mg̃a dápò, mg̃a lang̃aw ó mg̃a "colado", na kinapal ng̃ Dios sa canyang waláng hanggang cabaitan, at canyang pinararami ng̃ boong pag-irog sa Maynílà. Nang̃agsihanap ang ibá nang "betún" sa caniláng zapatos, mg̃a botón at corbata naman ang ibá, ng̃uni't siláng lahát ay nang̃ag iisip cung paano cayâ ang mabuting paraang bating lalong waláng cakimìang gagawin sa may bahay, upang papaniwalàin ang macacakitang sila'y malalaon ng̃ caibigan, ó cung magcatao'y huming̃í pang tawad na hindî nacadalóng maaga.